Entry: Wowowee!! Sep 23, 2003



oh wowers! the Friends choir's own blogsite! kudos to dyeypee!! ye did a great job! hehe. wala lang. nothing much to say.

me here at work... nagpapanggap na nagtratrabaho. hehe. sobrang bangag ako, i swear. only had about 2 or 3 hours of sleep. left the house at 5 am (nanibago ako kasi ngayon ko lang ulit na-experience ang mag-commute at makita ang araw na sumisikat at the same time. haaay. mahirap maging isang "buffy"...) coz i had to go to the office to meet up with my dept. we all went together for our medical (annual physical examination). ayon... borrrring. kept on waiting for our turns. una yung x-ray...2nd, weight (i gained weight. bummer! shuckers! maybe about 2.5 kilos. tsk), height (maliit pa rin...), blood pressure (110/70)... 3rd, physical exam (as in physical ah. hehe. but that wasnt so bad. i've experienced worse in UP and in my pre-employment for Manila Polo Club)... 4th, urine sample... 5th...my favorite (sarcastic to ah..)...drum roll please... blood sample! wala lang. ang masasabi ko lang, may achievement ako! hindi ako hinimatay nung kinuhanan ako ng dugo. bwahahaha. sa 3 times na nagpakuha ako ng dugo sa buong buhay ko, ngayon lang hindi nagdilim ang paningin ko at hindi ako nakakita ng stars at hindi na kelangan umamoy ng ammonia. *belat*

ah! isang magandang nangyari! nakita ko ang isang college clasmeyt at orgmate (organization... hindi orgy ok? gusto ko lang linawin sa mga bastos jan. =)) nung nasa UP School of Economics pa ako. natutuwa ako kasi siya ang nakakita at nakakilala sa kin. masaya mag-reminisce. =)

so ayon... natapos ako 1 pm na. at gutom na gutom na ako by that time! because they required us not to drink or eat anything before that (so so famished! i could eat a horse. =P). nakauwi ako sa unit ng mga 230. nakahiga na by 3. may tumawag sa telepono ng 330. still restless at 4. siguro mga 5 na nakatulog at gumising ulit ng 750pm to get ready for work. haaaay.

ngayon... halos wala pa akong nagagawa eh 1am na. sabi ko nga ive got nothing much to say noh? hehe. panggap! =) (si dyeypee, panggap!!)

next timie. take care ye all. mwah!  =)

   1 comments

Xenon
September 26, 2003   09:04 PM PDT
 
ang hirap naman ng job mo... night... pero ang galing ng time management... :) haha...

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments